MANILA, Philippines - Inaalam ngayon ng pulisya kung may kaugnayan sa iligal na droga ang naganap na pamamaslang sa isang lalaki makaraang bistayin ng bala ng isa sa tatlong salarin sa harap ng bahay nito, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Isinugod pa sa Pasig City General Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang biktimang si Edelito Abaa, 42, at naninirahan sa Block 6 San Pedro St., Brgy. Pinagbuhatan, ng naturang lungsod.
Tikom naman ang bibig ng mga residente sa lugar dahil sa takot kung saan walang nais na kumilala sa mga salarin.
Naganap ang pamamaril dakong alas-5 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima. Nabatid na nakatayo ang biktima nang sumulpot ang tatlong salarin at agad na pagbabarilin ito.
Kaswal lamang umano na naglakad palayo ang tatlong salarin habang agad na isinugod ang biktima sa pagamutan.