Ulo ng bebot kinain ng makina sa pabrika

MANILA, Philippines - Isang 36-anyos na babae ang nasawi matapos maipit ang ulo nito sa makina sa loob ng pinapasukan nitong pabrika sa Caloocan City kahapon. Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo si Marilou Pingol, 36, ng Marangal St., Baesa, Quezon City. Base sa report ng pulisya, dakong alas-9:15 ng umaga habang nagtatrabaho ang biktima sa United Container Corporation sa General Luis, Brgy. Kaybiga, Caloocan City nang maipit ang ulo nito sa molding machine. Hindi na nagawang madala sa ospital ang biktima sanhi ng grabeng pinsalang tinamo nito sa ulo.  

Show comments