^

Metro

3 tanggapan ng MMDA binuwag

- Ni Danilo­ Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong tanggapan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang binuwag ni Chairman Francis Tolentino dahil sa pagkakapareho ng gawain ng mga ito.

Kabilang sa binuwag ang Road Side Clearing Group at Roadway Clearing Group na pinag-isa na lang sa pa­ngalan ng bagong opisina na Metro Parkway Clearing Group.

Binuwag din ang Construction Equipment Management Office (CEMO) dahil hindi na naman nagsasagawa ng konstruksyon ng malala­king proyekto ang MMDA kundi ang Department of Public Works and Highways (DPWH) habang ang ahensya lamang ay tagapanukala ng mga proyekto para sa pagpapaluwag ng kalsada sa Metro Manila.

Hinahanapan na ni Tolentino kung saang tanggapan sa MMDA pwedeng ilagay ang mga maaapektuhang tauhan ng CEMO. Ilalagay umano ang mga ito sa mga tanggapan na kulang sa tauhan. 

Tiniyak ni Tolentino na walang tauhan na apektado ng pagkabuwag ng mga na­turang opisina ang mawa­walan ng trabaho. Legal naman umano ang kanyang hakbang dahil sa nakapaloob pa ito sa kanyang kapangyarihan habang wala rin sa plantilla ng Civil Ser­vice Commission ang naturang mga tanggapan na binuo noon pang panahon ni Chairman Bayani Fernando.

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CIVIL SER

CONSTRUCTION EQUIPMENT MANAGEMENT OFFICE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA

METRO PARKWAY CLEARING GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ROAD SIDE CLEARING GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with