German na wanted ipade-deport

MANILA, Philippines - Nakatakdang i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang German national na wanted sa kanyang bansa dahil­ sa pagkakasangkot sa sex crime matapos na mada­kip kamakailan sa Cebu City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang takas na si Michael Heeren, 32, na naaresto ng mga tauhan ng BI fugitive search unit sa Brgy. Poblacion, Dalaguet, Cebu City.

Si Heeren ay kasalukuyang nakapiit sa immigration jail sa Bicutan, Taguig habang hinihintay ang kanyang deportation order mula sa BI board of commissioners.

Ayon kay David, hindi na makakapasok ng bansa si Heeren dahil ang mga “foreign­ sex perverts” ay hindi bini­bigyan ng pribilehiyo na manatili sa bansa.

Si Heeren ay may 14 na kasong sexual assault at molestation sa Germany.

Show comments