^

Metro

Retiradong sundalo dedo sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang retiradong sundalo makaraang bistayin ng bala ng riding in tandem sa isang panaderia sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Abelardo Manangan, 52, ope­rations manager ng Steel Hawk Security Agency at residente ng Katarungan St. Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa isang panaderia sa may Katuparan St. corner Kamagong sa nasabing lugar ganap na alas- 6 ng umaga.

Ayon kay Jennifer Mana­ngan, asawa ng biktima, bumi­bili siya ng pandesal sa isang bakery nang bigla siyang ma­karinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang lumingon siya ay tumambad sa harapan niya na duguang katawan ng asawa habang nakahandusay sa lapag.

Sinasabing dalawang naka-bonnet na suspect na sakay ng isang Kawasaki na motorcycle ang mga salarin.

Bukod dito, siniguro pa umano ng mga suspect na patay ang biktima bago umalis dahil kahit nakahandusay na ay binabaril pa ito ng mga una.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng kalibre .9mm at limang basyo ng kalibre 45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

ABELARDO MANANGAN

AYON

BUKOD

JENNIFER MANA

KAMAGONG

KATARUNGAN ST. BRGY

KATUPARAN ST.

KAWASAKI

KINILALA

STEEL HAWK SECURITY AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with