^

Metro

Killer-rapist ng 13-anyos, timbog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nadakip na kahapon ng mga tauhan ng pulisya ang dalawang lalaking umano’y suspect sa panghahalay at pagpatay sa isang 13-anyos na grade six pupil sa isang sementeryo sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspect na sina Jose Roel Bragais, 42; at Alfredo Tacuyo 39.       

Ayon sa ulat, nasakote ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay matapos ituro   ng isang testigo na nakakita umano sa ginawa nilang pagpatay sa biktimang si Paola Viray 13-anyos, grade-6 pupil.

Matatandaan na dakong alas-4:50 ng hapon noong July 15 taong kasalukuyan, nang matagpuan ang biktima na nagtamo ng 16 na saksak sa katawan at may palatandaan na hinalay pa sa likod ng isang mausoleum sa loob ng La Loma cemetery sa 2nd Avenue, Caloocan City .

Isang text message ang natanggap ng mga kaanak ng biktima na makikita nila ito sa likod ng isang mausoleum subalit hindi sinabi ng sender na patay na ito.  

vuukle comment

ALFREDO TACUYO

AYON

CALOOCAN CITY

ISANG

JOSE ROEL BRAGAIS

LA LOMA

MATATANDAAN

NADAKIP

NAKILALA

PAOLA VIRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with