^

Metro

Kelot nag-suicide sa motel

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng nakalalasong kemikal sa loob mismo ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.

Bumubula pa ang bibig ng biktimang nakilala sa pa­ngalang kanyang ipinatala na Rolly Gases nang matagpuan sa banyo ng Luxury Lodging House sa panulukan ng D. Jose at Rizal Avenue sa Sta. Cruz.

Kaugnay nito inilarawan pa rin ang biktima na nasa 35 hanggang 40-anyos; semi-long hair; may balat sa kanang braso, 5’8’’ ang taas; nakasuot ng kulay pulang short pants; t-shirt na may stripe na orange sa manggas at leeg at naka-brown na tsinelas bukod pa rito, bungi ang itaas na ngipin nito.

Batay sa ulat ni Det. Gerardo­ Rivera ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8 kamakalawa ng gabi nang mag-check-in ang biktima sa Room 219.

Nagtataka naman ang roomboy ng motel kung bakit hindi pa lumalabas ang biktima gayong oras na nito para mag-check out.

Nabahala ang mga kawani ng motel kung kaya’t kinuha ang duplicate key at binuksan ang kuwarto ng biktima.

Dito na nakita dakong alas-12 ng tanghali kahapon ang biktima na bumubula ang bibig habang nasa tabi nito ang bote na hinihinalang kemikal.

Gayunman, upang hindi maiwasan ang sinasabing may foul play sa na­sabing insidente.

Inawtopsiya ito sa Universal Funeral morgue, habang inaalam pa ng pu­lisya kung tunay ang pa­ngalang ibinigay nito.

vuukle comment

BATAY

BUMUBULA

CRUZ

DITO

HOMICIDE SECTION

LUXURY LODGING HOUSE

RIZAL AVENUE

ROLLY GASES

UNIVERSAL FUNERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with