^

Metro

Vendor binoga, butas ang mukha

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang vendor na agad nitong ikina­matay makaraang barilin nang malapitan ng hindi kilalang salarin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Julian Mingote, 38, at residente ng Lupang Pangako, Brgy. Payatas sa lungsod. Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Nangyari ang insidente sa may Liwanag St., Brgy. Old Balara ganap na alas-10:30 ng umaga.

Sinabi ni Daren Yadad, nasa loob siya ng bahay at nanonood ng telebisyon nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas. Nang kanyang tingnan ang pinagmulan ng putok ay nakita niya ang biktima na duguang nakahandusay sa kalsada. Agad na ipinagbigay-alam ni Yadad ang insidente sa mga tauhan ng pulisya. Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa leeg na tumagos sa mukha na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

BLANGKO

BRGY

BUTAS

DAREN YADAD

JULIAN MINGOTE

KINILALA

LIWANAG ST.

LUMILITAW

LUPANG PANGAKO

OLD BALARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with