^

Metro

Parak sugatan sa hinuhuling 'tulak'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis at isang ‘tulak’ ng droga ma­tapos magbarilan ang mga ito nang arestuhin ng una ang huli sa isang buy-bust operation na ini­ulat kahapon sa Navotas City.

Si PO3 Fidel Cabinta, nasa hustong gulang, nakatalaga sa District Anti-Illegal Drug-Northern Police District (DAID-NPD) ay kasalukuyang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .38 baril sa kamay.

Naka-confine naman sa Tondo­ Medical Center (TMC) ang suspek na si Pedro Va­len­tin, 47, ng Tanza Kaliwa, Brgy. Tanza na nagtamo naman­ ng tama ng .9mm caliber pistol sa katawan.

Ayon sa report ng DAIA-NPD, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa Tanza Kaliwa, Brgy. Tanza kung saan nagkaroon ng buy-bust operation ang mga pulis.

Nabatid na nagsa­sagawa ng drug operation ang mga pulis nang bigla na lamang barilin ng suspek si PO3 Ca­binta dahilan upang ipangsangga nito ang kanyang kamay na siyang tinamaan ng bala.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok si Cabinta kung saan ay tinamaan naman sa katawan si Valentin hanggang sa kapwa isugod ang mga ito sa TMC, ngunit inilipat din ang sugatang pulis sa Chinese General Hospital.

Nakuha sa pag-iingat ni Valentin ang isang kalibre .38 baril at mga bala nito kung saan ay kasalukuyang ini­hahanda ang kaukulang kaso laban dito habang nagpa­pagaling sa pagamutan.

BRGY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DRUG-NORTHERN POLICE DISTRICT

FIDEL CABINTA

MEDICAL CENTER

NAVOTAS CITY

PEDRO VA

SHY

TANZA

TANZA KALIWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with