Kelot binurdahan ng saksak

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang bangkay ng lalaki ang natagpuang burdado ng saksak sa katawan sa Intramuros, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Nakahandusay sa A. Bonifacio Drive Extension, malapit sa tulay ng Delpan ang biktimang inilarawan sa edad 30 hanggang 35, 5’7’’ ang taas, nakasuot ng t-shirt na puti, maong na short pants at pulang tsinelas.

Sa ulat ng pulisya, inireport lamang ng di nagpakilalang babae sa Delpan Police Comnmunity Precinct ang nasabing biktima na itinawag naman sa Homicide dakong alas-4:00 ng madaling-araw kahapon. Posibleng may matinding galit ang suspect dahil sa dami ng saksak na tinamo ng biktima. Inilagak sa St. Yvan Funeral Homes ang bangkay.

Show comments