^

Metro

Manhunt sa 2 killer ng staff ni VM Isko patuloy

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila City Jailwarden P/Senior  Supt. Ruel Rivera na patuloy ang manhunt laban sa kanyang tauhan na si JO1 Fredderick Borromeo na sinasabing nagtatago matapos ang pamamaslang sa administrative staff ni Manila­ Vice Mayor Isko Moreno.

Ang paniniyak ay ginawa ni  Rivera matapos ang kautusang  ipinalabas ni Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) chief Director Rosendo Dial na alamin ang  mga posibleng pinagtataguan ni  Borromeo.

Si Fredderick at kapatid nitong si PO3 Geoffrey Borromeo ang sinasabing bumaril at nakapatay kay Jonathan Ignacio noong Hulyo 7 sa mismong bahay nito sa Tondo, Maynila.

Nabatid na maging ang pamilya ni  Borromeo ay wala na rin sa kanilang bahay sa Franco Street, Tondo, Maynila.

Igiit naman ni  Dial na  hindi nila kukunsintihin ng anu­mang ginawa ng kanyang  tauhan kung kaya’t handa siyang  isuko ito sakaling matagpuan.

Sinasabing gantihan ang motibo  ng pamamaslang kay Ignacio matapos na makaaway ng kapatid nitong si Alex­ander ang kapatid ng mga suspek na si Serdeniel.

Ang magkapatid na Borromeo ay kinasuhan na ng murder­ sa Manila Prosecutors Office.

vuukle comment

BORROMEO

DIRECTOR ROSENDO DIAL

FRANCO STREET

FREDDERICK BORROMEO

GEOFFREY BORROMEO

JONATHAN IGNACIO

MANILA CITY JAILWARDEN P

MANILA PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with