^

Metro

Club manager dedo sa sinibak na 'call boy'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Paghihiganti ang hinihinalang motibo sa pamamaslang ng isang pinatalsik na ‘call boy’ sa manager ng club na dati niyang pina­pasukan makaraang pagbabarilin at mapatay ito, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .9mm sa buong katawan ang biktimang si Apollo Fernandez, 41, manager ng Solution Disco Club na nasa Libertad street.

Pinaghahanap naman ngayon ang nakatakas na suspek na nakilalang si John Ruperton Lapuz, alyas Lance Cuerbo, residente ng bayan ng Pateros.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, nagtangkang pumasok sa naturang club ang suspek dakong alas-12:45 ng madaling araw subalit hinarang siya ng doorman na si Bernardo Presidente, Nakiusap umano si Lapuz na sandali lamang siya dahil sa kakausapin ang isa niyang “guest” kaya napilitan si Presidente na ipaalam ito kay Fernandez.

Hinarap naman ng biktima ang suspek at sinabihan na hindi siya puwedeng pumasok dahil sibak na siya sa trabaho sanhi ng palagiang pagliban. Humantong ito sa mainitang pagtatalo hanggang bumunot ng dalang baril ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas. Nabatid ng pulisya na nagtanim ng galit si Lapuz kay Fernandez makaraang matuklasan nito na kinakasama na pala ng kanyang manager ang dati niyang babaeng ka­sintahan.

APOLLO FERNANDEZ

BERNARDO PRESIDENTE

FERNANDEZ

JOHN RUPERTON LAPUZ

LANCE CUERBO

LAPUZ

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

SOLUTION DISCO CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with