^

Metro

Operasyon ng LRT 1, nabalam dahil sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang sandali natigil ang operasyon ng LRT 1 mula Baclaran hanggang Central Terminal sa Arroceros, Maynila kahapon matapos ang sunog na naganap sa Pasay City.

Dalawang gusali at isang music lounge sa Taft Avenue, Pasay City ang tinupok ng sunog dulot umano ng paglalaro ng apoy ng isang bata, kahapon ng umaga.

Dakong alas-7 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa paupahang gusali na pag-aari ng isang negosyante na nakilala sa pangalang Jun Ramirez.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa mahagip rin ang isa pang gusali at isang music lounge na nasa tapat ng paupahang gusali.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente makaraang agad na makalabas ang mga residenteng naninirahan sa naturang mga gusali.

Sa inisyal na imbestigas­yon, may kuwentong nakara­ting sa mga arson investigators na posibleng nagsimula ang sunog dahil sa paglalaro ng apoy ng isang bata sa ikaapat na palapag sa paupahang gusali.

Makapal na usok ang ibi­nuga ng apoy dahilan upang pansamantalang ihinto ang ope­rasyon ng LRT.

ARROCEROS

BACLARAN

CENTRAL TERMINAL

DAKONG

DALAWANG

GUSALI

ILANG

JUN RAMIREZ

PASAY CITY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with