^

Metro

Empleyado ginilitan ang sarili

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Problema umano sa pera ang itinuturong dahilan kung bakit nagawa ng isang emple­yado na gilitan ang sarili upang wakasan ang kanyang buhay sa rooftop ng tinu­tuluyang apartment sa Mandaluyong City kama­kalawa ng gabi.

Masuwerte namang na­isalba pa rin ng mga doktor ng Mandaluyong City Medical Center ang buhay ni Ryan Espinosa, 23, at residente ng Block 20, Lot 129, Phase 1N- Site South Ville 8C, Brgy. San Isidro, Rizal.

Lumilitaw na dakong alas-7:45 ng gabi nang madiskubre ang tangkang pagpapakamatay ni Espi­nosa sa rooftop ng tinutuluyang CGB Apartment na nasa 468 Boni Avenue, corner Ballesteros St., Brgy. New Zaniga, Mandaluyong City.

Ayon kay Karem Sungahid, care taker ng apartment, pinuntahan niya ang isang tenant ng gusali upang ikonsulta ang kanilang linya ng cable nang madiskubre ang duguang biktima sa rooftop.

Kaagad umano nilang isinugod sa pagamutan ang biktima at masuwerteng na­agapan ang buhay nito ng mga doktor, sa kabila ng gilit na tinamo sa kanyang leeg.

Ayon naman sa pulisya, mismong ang biktima ang nagsabi na financial problem ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay nito.

vuukle comment

AYON

BALLESTEROS ST.

BONI AVENUE

BRGY

KAREM SUNGAHID

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

NEW ZANIGA

RYAN ESPINOSA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with