MANILA, Philippines - Labing-limang elementary student ng isang eksklusibong paaralan sa Quezon City ang isinugod sa pagamutan matapos na umano’y malason sa kinaing java rice kahapon.
Ayon sa inisyal na ulat, ang mga estudyante ay mga mag-aaral sa Saint Mary’s College na matatagpuan sa Panay Avenue ay nilalapatan na ng lunas sa Capitol Medical Center ganap na alas-4 ng hapon.
Bago ito, ang mga naturang bata ay kumain ng java rice at barbecue sa canteen ng kanilang paaralan noong breaktime.
Ilang oras ang lumipas ay nakaramdam na umano ng pagkahilo ang mga biktima na nagpalala pa nang magsuka na ang mga ito.
Sa kasalukuyan, patuloy na inoobserbahan ang mga biktima sa naturang ospital upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkahilo at pagsusuka ng mga ito.