^

Metro

15 pupils nalason sa java rice sa iskul

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Labing-limang elementary student ng isang eks­klusibong paaralan sa Quezon City ang isinugod sa pa­gamutan matapos na umano’y malason sa kinaing java rice kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat, ang mga estudyante ay mga mag-aaral sa Saint Mary’s College na matatagpuan sa Panay Avenue ay nilalapatan na ng lunas sa Capitol Medical Center ganap na alas-4 ng hapon.

Bago ito, ang mga naturang bata ay kumain ng java rice at barbecue sa canteen ng kanilang paaralan noong breaktime.

Ilang oras ang lumipas ay nakaramdam na umano ng pagkahilo ang mga biktima na nagpalala pa nang magsuka na ang mga ito.

Sa kasalukuyan, patuloy na inoobserbahan ang mga biktima sa naturang ospital upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkahilo at pagsusuka ng mga ito.

AYON

BIKTIMA

CAPITOL MEDICAL CENTER

ILANG

LABING

PANAY AVENUE

QUEZON CITY

SAINT MARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with