Mag-utol kinasuhan sa pagpatay sa staff ni VM Isko Moreno
MANILA, Philippines - Sinampahan na ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office ang magkapatid na isang pulis at jail officer na sinasabing responsable sa pamamaril at pamamaslang sa administrative staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno. Sina PO2 Geoffrey Borromeo ng Headquarters Support Unit ng National Capital Regional at JO1 Fredderick Borromeo, nakatalaga sa Manila City Jail at kapwa naninirahan sa Franco St. Tondo, Maynila ay kasalukuyang nakalalaya subalit positibong kinilala ng 16- anyos na anak ng biktimang si Jonathan Ignacio, 37. Kasabay nito, kinumpirma naman ni MCJ warden Sr. Supt. Ruel Rivera na tao niya si Fredderick kung kaya’t agad niya itong pinapuntahan sa nasabing address subalit bigo ang kanyang mga tauhan. Lumilitaw din sa salaysay ng anak ng biktima na nakaaway ng kapatid ni Ignacio na si Alexander ang kapatid ng mga Borromeo na si Sirdeniel. Nasapak ni Alexander si Sirdeniel sa mukha kung kaya’t nagsumbong ito sa mga kapatid. Dito ay hinanting nina Geoffrey at Fredderick si Alexander subalit nang hindi mahagilap ay si Jonathan ang pinaghigantihan.
- Latest
- Trending