Tatlo pang carjacking syndicate minamanmanan
MANILA, Philippines - Tatlo pang grupo ng carjacking syndicate ang minamanmanan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) bukod pa sa Dominguez group, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon.
Ayon kay QCPD director Chief Supt. George Regis, hindi lamang anya sa Dominguez carjacking group nakatuon ang pansin ng kanilang pagtugis dahil may iba pang grupo na nabuo ngayon na siya namang gumagawa ng carjacking incident sa lungsod at kailangan ng mahinto.
Ayon pa sa opisyal, ang nasabing mga grupo ay gumagala ngayon sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila pero nakapokus ang kanilang operasyon sa lungsod Quezon.
Sa pamamagitan anya ng pang-aagaw ng sasakyan nagagamit nila itong pondo para naman mapiyansahan ang ibang kasamahang naaresto.
Kabilang anya dito ang “Onad group,” na ang ilan sa mga miyembro ay naaresto pero nagawang makapagpiyansa.
Sabi ni Regis, ang naturang gang ay dating nakapokus sa pagnanakaw, pero nag-iba ng operasyon tulad ng carjacking dahil dito malaki ang kita.
Ang isa pa umanong gang ay umano’y pinamumunuan ng isang Francis Briones, na ayon kay Regis ay nakapagpiyansa ng P600,000. Dagdag pa rito ang gang na pinamumunuan naman ng isang Edong Maglalang na ang target naman, ayon kay Regis ay mga Mitsubishi vans.
Ang gang na ito anya ay sangkot din sa hijacking at pagtangay ng mga nakaparadang motorsiklo.
- Latest
- Trending