^

Metro

Elections protest ni Atienza hiling ibasura

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umapela ang kampo ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang elections protest na isinampa ni dating mayoral candidate Lito Atienza matapos itong mabigo na maipaliwanag ang pagiging lehitimo ng kanyang protesta.

Ayon kay Secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas, makikitang nais ni Atienza na patagalin ang protesta upang gamitin sa kanyang mga pagpapalabas ng pahayag ng walang sapat na batayan.

Sinabi ni Garayblas na ipinakita ng resulta na si Atienza ay nakakuha lamang ng 181,094 boto kumpara sa nakuha ni Lim na  395,910.

Nabatid pa kay Garayblas na mismong sa sinasabing balwarte ni Atienza ay nanguna si Lim sa halalan laban dito.

Samantala, sa memorandum na inihain sa Comelec ni Atty. Alicia Risos-Vidal, sinabi nito na dapat lamang na idismiss ang protesta ni Atienza dahil pareho lamang ang resulta ng elections sa recount na ginawa bunsod ng protesta.

Giit pa ni Vidal, bigo din si Atienza na maglabas ng ebi­densiya hinggil sa sinasabi nitong iregularidad at pandaraya sa nakaraang halalan noong May 2010.

ALICIA RISOS-VIDAL

ATIENZA

AYON

COMELEC

GARAYBLAS

GIIT

LITO ATIENZA

MANILA MAYOR ALFREDO S

RAFAELITO GARAYBLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with