^

Metro

'Resbak' motibo sa pagpatay sa staff ni Isko

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Resbak o paghihi­ganti ang nakikitang motibo ng mga awtoridad sa pama­maril at pamamaslang sa administrative staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno noong Huwebes ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ito ang napag-alaman mula kay Manila Police District-Homicide chief, Insp. Armand Macaraeg kung saan sinasabing nakaaway ng kapatid ng bik­timang si Jonathan Ignacio, 37, ang kapatid ng suspect.

Kasabay nito, tukoy na rin ng pulisya ang gunman na kasalukuyan ay nagta­tago na sa batas.

Ang suspect ay matagal­ nang kapitbahay at kaibigan din ng biktima sa dati nitong bahay, bago pa ito lumipat sa Prudencio St., sa Tondo.

Base ito sa inilahad ng anak ng biktimang 16-anyos na binatilyo na nakakita sa suspect nang barilin ang ama.

Posibleng ang kapatid na lamang ang ginantihan dahil ang hinahanting na namaril sa kapatid naman ng suspect na hindi nito matiyempuhan.

Hindi pa idinetalye ni Macaraeg ang insidente ng shooting incident sa pagitan ng kapatid ng suspect at kapatid ng  biktima.

Matatandaang noong Huwebes, dakong alas 5:15 ng umaga nang duma­ting ang biktima mula sa paki­kipag-inuman sa mga kaibigan at katutulog pa lamang nang dumating ang suspect.

Dito ay inakyat sa kuwarto na nasa ika-2 palapag, pinagbabaril gamit ang armalite ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklong minamaneho ng isa pang suspect.

Iniimbestigahan din ng Homicide kung sino ang huling nakasama ni Ignacio bago ito nakauwi ng bahay.

Isinantabi naman ni Macaraeg na away pulitika ang anggulo bagamat pinag-aaralan pa ang iba pang maaring motibo sa krimen.

Tiniyak naman ni Moreno na bibigyan niya ng tulong pinansyal ang naulila ni Ignacio.

ARMAND MACARAEG

HUWEBES

IGNACIO

JONATHAN IGNACIO

MACARAEG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

PRUDENCIO ST.

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with