^

Metro

2 Korean national dinampot sa NAIA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang may 2.9 million Hong Kong dollar o katumbas na P11.291 million sa da­lawang Korean na­tionals nang hindi nila ideklara ang dala nilang salapi matapos silang mang­galing sa Macau via Hong Kong sakay ng Philippine Airlines flight PAL 311 kahapon ng ma­daling-araw.

Ang dalawang Korean nationals ay nakilalang sina Kim Sungh Je at Myung Chankug.

Ayon sa ulat, tinanong ng dalawang custom exa­miner ang dalawang Korea­no kung may idideklara silang dala-dalahin pero sumagot ang mga ito ng wala kaya naman pina­buksan ang mga dala nitong duffle bag at tumambad ang mga perang itinatago ng dalawa.

Napag-alaman na ang da­lawang dayuhan ay ga­ling sa casino sa Macau at sinasabing ang perang dala nila ay napanalunan nila kaya naman sila ay dumayo sa bansa para muling maglaro.

Ang naging problema lamang ng dalawa ay ang ginawa nilang pagsi­sinungaling sa customs examiners ng tanungin sila ng mga ito.

Gayunman, ipaghaharap ng kaso ang da­lawa sa Pasay City Pro­secutor’s Office dahil sa paglabag sa mga regulasyon at alintuntunin na ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa hindi nila pagdedeklara ng dala nilang salapi.

BANGKO SENTRAL

BUREAU OF CUSTOMS

HONG KONG

KIM SUNGH JE

MACAU

MYUNG CHANKUG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY PRO

PHILIPPINE AIRLINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with