Fetus sa plastic jar, natagpuan

MANILA, Philippines - Isang fetus ang natagpuang nakasilid sa loob ng isang plastic jar sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Sa report ng Manila police, dakong alas-4:45 ng hapon nang matagpuan ang tinatayang tatlong-buwang fetus sa harapan ng Sulpicio Lines sa Yard 7 ng Phil. Asean Carries Corp., sa H. Lopez Blvd., Tondo, Maynila.

Ayon kay Rosalyn Solivea, namumulot ito ng basura nang mapansin ang isang plastic na garapon na natakpan ng isang kulay brown na tela at nang alisin ang tela ay bumulaga ang fetus. Dinala ang fetus sa St.Yvann Funeral parlor para sa safe­keeping.

Show comments