Bebot ginahasa muna bago pinatay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay sa pama­magitan nang paghataw ng matigas na bagay sa ulo at pagbigti ang isang babaeng magbabasura ng hindi pa kilalang suspek na natagpuang hubo’t-hubad sa loob ng sementeryo kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktima na si Maria Henessy Reyes, alyas Joyce, 31, ng Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Huling nakitang nagla­­lakad ang biktima sa loob ng Tugatog Public Cemetery sa nabanggit na siyudad na may kasamang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng brown jacket.

Ayon sa saksing si Ernesto Ciego, 50, kahapon ng umaga ay natanaw niyang may nakahiga sa loob ng naturang sementeryo at nang lapitan upang alamin ay laking gulat nito nang tumambad sa kanya ang duguan at walang saplot na bangkay ng biktima.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng SOCO ng Northern Police District (NPD) na basag ang bungo ng biktima, walang saplot sa katawan at may bakas ng bigti matapos pagsamantalahan.  

Show comments