^

Metro

4 carnapper utas sa shootout

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Apat na pinaniniwalaang mga karnaper ang nasawi habang nakatakas naman ang isa nilang kasamahan sa naganap na shootout kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Isa pa lamang sa apat na nasawi ang nakikilala na ito ay si Michael Decano, 34, ng Bagong Nayon 11, Quezon City, habang inaalam pa ang pangalan ng tatlo.

Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng 12th Avenue, panulukan ng Biglang Awa St., Barangay 96-97, Caloocan City.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng checkpoint ang mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit sa pamumuno ni Senior Insp. Allan Emlano nang mapansin ng mga ito ang isang kahina-hinalang taxi na Vios na Se7en 99   (TYU-560).

Padaan na ito sa checkpoint subalit biglang umiwas at humarurot ng takbo dahilan upang habulin ito ng mga awtoridad.

Habang papalapit ang mga pulis, bigla na lamang nagbabaan sa taxi ang limang kalalakihan na pawang mga armado ng mga baril at sabay-sabay pina­putukan ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti rin ng putok ang mga pulis at matapos ang ilang minutong barilan, bumulagta sa kalsada ang mga duguang suspek.

Napag-alaman na bago naganap ang insidente, naka­tanggap ng impormasyon ang Tactical Operation Center (TOC) ng Caloocan-PNP hing­gil sa isang taxi na kinar­nap ng limang hindi nakikilalang lalaki sa kahabaan ng A. Mabini St., Maypajo ng na­sabing lungsod.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang kaso.

ALLAN EMLANO

ANTI-CARNAPPING UNIT

BAGONG NAYON

BIGLANG AWA ST.

CALOOCAN CITY

MABINI ST.

MICHAEL DECANO

QUEZON CITY

TACTICAL OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with