^

Metro

Flyover hindi underpass sa binabahang Araneta-Quezon Avenue - MMDA

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang kinontra ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pag­ lalagay ng “underpass” sa kanto ng Araneta at Quezon Avenue kung saan mas mainam umano na “fly­over” ang ilagay sa binabahang lugar.

Nagpadala ng pormal na liham si MMDA Chairman Francis Tolentino kay DPWH Secretary Rogelio Singson kung saan hiniling nito na ikunsidera at pag-aralan pang mabuti ang P430 milyong proyekto.

Dapat umanong big­yang pansin ni Singson ang matinding pagbabaha sa naturang lugar na uma­bot ng hanggang bewang at sa ibang lugar ay lagpas tao ang baha nitong matin­ding pag-ulan dulot ng bag­ yong Falcon.

Nauna nang inilagay ng MMDA ang Araneta-Tala­yan area na isa sa lugar na mabilis bahain, bukod pa sa mga lugar ng Don Bos­co/Dela Rosa sa Makati at mga mababang lugar sa Camanava area at España sa Maynila.

Mas magiging epektibo umano at walang bahid ng kuwestiyon kung “flyover” ang ilalagay sa naturang lugar kaysa sa underpass na pinangangambahan ng marami na mapuno ng tubig-baha tuwing umuulan.

Sinabi ng MMDA chief na hinihintay na lamang niya ang kasagutan ni Sing­­son sa ipinadala niyang liham na humihiling na ikonsidera muna ang kanyang mungkahi upang hindi makadagdag ang problema sa pagbabaha sa naturang lugar.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DELA ROSA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DON BOS

LUGAR

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

QUEZON AVENUE

SECRETARY ROGELIO SINGSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with