Anti-drug body itatatag sa Maynila
MANILA, Philippines - Bubuo si Manila Mayor Alfredo S. Lim ng isang anti-drug body na susugpo sa malawakang problema ng droga sa lungsod.
Ang naturang body ay pangungunahan nina Barangay Bureau director Atty. Analyn Buan at dating Manila Police na si Chief Insp. Lucio Margallo.
Batay sa napagkasunduan, si Buan ang may superbisyon sa lahat ng operasyon habang si Margallo ang nakatalaga sa enforcement aspect na may koordinasyon din mula kina Manila City Hall Police Office head, Chief Insp. Mar Reyes.
Ayon kay Lim, ang anti-drug body ay magsasagawa ng information dissemination sa lahat ng barangay sa lungsod hinggil sa masamang epekto ng droga at kung paano makatutulong ang ordinaryong mamamayan. Dahil dito, umaasa si Lim na unti-unti nang mawawala ang mga users lalo na ang mga pusher sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Aniya, ang mga barangay chairman ang siyang may responsibilidad sa kanilang nasasakupan dahil alam ng mga ito ang aktibidades ng kanilang mga kabarangay.
- Latest
- Trending