Salvage victim ibinitin sa tulay
Manila, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakabigti sa Dimasalang bridge sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Nababalutan ng packaging tape ang ulo at binigti sa asul na lubid ang naturang lalaki na nasa edad na 35 hanggang 40; nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon; may tattoo na “CHUA I:U” sa kaliwang balikat at simbolo naman ng Commando gang sa likod.
May nakasabit ding placard sa bangkay ng biktima na nagsasaad ng “Isa akong salot sa lipunan holdaper at pusher ako... ikaw, salot din ba? susunod ka na.”
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling-araw nang madiskubre ni Rodelio Alzate ang bangkay na nakasabit sa nasabing tulay at ipinagbigay-alam sa tanod ng Brgy. 484, Zone 48 na siyang nagreport sa pulisya.
Inilagak ang bangkay sa Universal Funeral Homes.
- Latest
- Trending