Manila, Philippines - Pito katao kabilang ang tatlong Chinese national na responsable sa pagtatayo ng mini-laboratory ng shabu sa magkakahiwalay na lugar sa Antipolo, Pampanga, at Quezon City ang nalambat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kinilala ang mga suspect na sina Lorence Yu, Herbert Yu, Ali Chou, alyas Ali Ang; pawang mga chinese national; at Elmer Doctor; Kisses dela Cruz; Marouf Casad; at Agustin Lunganay.
Kasunod ng pagkaka-aresto sa mga suspect ay ang pakakabuwag sa pinatatakbo nilang mini-laboratoryo ng shabu sa bansa, ayon pa sa opisyal.
Ang pagsalakay ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Amor Reyes ng Manila Regional Trial Court Branch 21. Inaalam naman ng PDEA kung ang nasabing laboratoryo ay may kaugnayan sa mga miyembro ng Western African Syndicate na nambibiktima ng mga Pinay bilang courier sa bansa.