^

Metro

Arraignment ni Michael Ray ipinagpaliban

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court sa Agosto 1 ang pagbasa ng sakdal kay dating   Sr. Supt. Michael Ray Aquino kaugnay ng Dacer-Corbito murder case noong Nobyembre 2000.

Ito’y matapos maglabas ng desisyon si Manila RTC Judge Thelma Bunyi-Medina na unahin ang isyu ng kustodiya para kay Aquino lalo’t pangunahing concern ang seguridad nito.

Ayon kay Atty. Manuel Bretana, nakabinbin ang kanilang petisyon sa korte na manatili sa National Bureau of Investigation (NBI) si Aquino at huwag   ilipat sa Manila City Jail upang matiyak ang seguridad nito.

Kasabay nito, naghain din ang kampo ni Aquino ng motion for reinvestigation ng kaso sa Department of Justice upang alamin kung mayroong pro­bable cause laban sa akusado.

Dahil dito, binigyan ni Medina ang panig ng state pro­secutors ng 15 araw para magsumite ng kanilang komento hinggil sa naturang motion for reinvestigation.

Samantala, nanindigan pa rin si Aquino na wala siyang nalalaman sa kaso at walang anumang utos na nanggaling mula kina dating PNP chief Panfilo Lacson at dating pa­ngulong Joseph Estrada.

AQUINO

CITY JAIL

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOSEPH ESTRADA

JUDGE THELMA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL BRETANA

MICHAEL RAY AQUINO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with