^

Metro

2 kelot utas sa pamamaril ng naka-bonnet sa QC

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines - Dalawang lalaki ang patay matapos na sorpresang ratratin ng mga naka-bonnet na suspect habang nakatayo ang mga una sa isang junkshop sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Ronnie Montejo, hepe ng Police Station 6 ng QCPD, ang mga nasawing biktima na sina Rodel Acero, 19; at Mark Gary Cabrito, 17; kapwa residente sa Brgy. Payatas.

Ayon kay Montejo, base sa mga pahayag ng mga residente, kilala umanong mga holdaper sa lugar ang mga biktima dahil sa serye ng naganap na holdapan na kabilang umano ang mga ito sa mga suspect.

Nangyari ang insidente sa may Mario’s junkshop na mata­tagpuan sa Litex Road, Brgy. Commonwealth ganap na alas-9:15 ng umaga.

Diumano, nakatayo ang mga biktima sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspect na nakasuot ng bonnet at pinaputukan ang mga ito. Mabilis ding nagsitakas ang mga suspect matapos ang pamamaril.

Patay agad si Acero na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, habang si Cabrito ay nagawa pang isugod sa East Avenue Medical Center pero hindi na rin umabot pang buhay.

Sinisiyasat ngayon ng awtoridad ang umano’y anggulong pagkakasangkot ng mga biktima sa holdap at   pinalalagay nilang maaring mga kasamahan din nila ang may kagagawan ng pamamaril.

ACERO

AYON

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

LITEX ROAD

MARK GARY CABRITO

POLICE STATION

RODEL ACERO

RONNIE MONTEJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with