Totoy utas sa 1 bala

MANILA, Philippines - Butas ang bungo ng isang menor-de-edad na binatilyo makaraang barilin ng solong salarin sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Zandro Francisco, 17, ng Rizal St., Group 3 Brgy. Payatas sa lungsod.

Tinutugis naman ng awto­ridad ang suspect na si Jomer Morales, ng Leyte St. ng na­banggit­ ding barangay.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa loob ng computer shop sa Rebecca’s store na matatagpuan sa Leyte St.

Sinasabing abala sa pag­lalaro sa computer ang biktima nang isang putok ng baril ang umalingawgaw mula sa labas. Dala ng kuryosidad, nagpasyang lumabas ang biktima para silipin ang pinagmulan ng putok, hanggang sa lapitan siya ng suspect na si Morales at barilin sa ulo, saka tumakas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments