^

Metro

Bank manager dinukot, kotse tinangay sa harap ng bahay

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang dalagang manager ng isang banko ang dinukot at sapilitang tinangay ang kanyang bagong kotse habang papasok sa gate ng kanilang bahay sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Sherylyn Rapisura, 35, manager ng J.P Morgan Chase Bank at residente ng Seventh St., Goodrich Village Brgy. Concepcion Uno, Marikina.

Ayon sa ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang papasok sa gate ng kanilang bahay ang biktima. Sinasabing naantala ang ama ng biktima sa pagbubukas ng kanilang gate kaya’t sinamantala ng tatlong­ suspek para tutukan ng baril ang dalaga at sapilitang dukutin at tangayin ang kanyang bagong Hyundai Tucson na (NQU-971).

Sinasabing pinaikut-ikot ng mga suspek ang dalaga hanggang makarating sa Makati at doon pinag-withdraw pa sa ATM ng halagang P46,000 saka siya pinakawalan at binigyan pa ng P1,000 pamasahe.

Matapos pakawalan ay tumawag ang biktima sa kanyang ama at sinabing pinalaya siya pero ang kanyang kotse at iba pang kagamitan ay tinangay ng mga suspek.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ukol dito.

AYON

CONCEPCION UNO

GOODRICH VILLAGE BRGY

HYUNDAI TUCSON

ISANG

MARIKINA CITY

P MORGAN CHASE BANK

SEVENTH ST.

SHERYLYN RAPISURA

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with