^

Metro

Illegal recruiter patay sa ambush

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Paghihiganti ang naki­kitang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang 29- anyos na umano’y illegal recruiter kahapon ng tanghali sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Yonie Ata­nosa, ng Mayhaligue St., Tondo, sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspect na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Gerry Rivera ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa harap ng Eliesol Store sa Masangkay St., Tondo, Manila.

Nauna rito, nakita ang biktima kasama ang misis nito na may kausap sa loob ng isang fastfood chain.

Makalipas nito, lumabas ang mag-asawa at habang papatawid na ang mga ito sa kabilang kalsada nang lapitan ng mga suspect at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Hinala ng pulisya na isa umano ang suspect sa mga na-biktima ng nasawi na nagre-recruit ng mga seaman at pinapangakuan nito na makakasakay.

Inaalam din ng pulisya kung galing ang mga suspect sa probinsiya dahil sa mga dalang bag na na­iwan sa likurang bahagi ng fastfood chain kung saan nakuha ang ilang dokumen­to sa pag-a-apply ng seaman.

ELIESOL

GERRY RIVERA

HINALA

HOMICIDE SECTION

INAALAM

MANILA POLICE DISTRICT

MASANGKAY ST.

MAYHALIGUE ST.

YONIE ATA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with