^

Metro

Kelot todas sa riding in tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang lalaki kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Bernar­dino Hospital si Luis Reyes, 29, ng no. 11 San Pablo St., Brgy. Gulod, Novaliches sa lungsod.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang naturang mga salarin na mabilis na tumakas makaraan ang krimen.

Ayon kay PO3 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Senading St., RP Gulod, Novaliches ganap na alas- 2:35 ng hapon.

Nabatid na naliligo umano sa ulan ang biktima nang biglang lumitaw ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo. Agad na bumaba ang backrider sa motor at nilapitan ang biktima saka pinaputukan sa katawan.

Bagama’t sugatan, nagawa pang makatakbo papasok sa isang sari-sari store ng biktima upang makapagtago, pero sinundan siya ng suspect at muling pinagbabaril.

Matapos nito, agad na umalis ang gunman at sumakay sa naghihintay na kasa­mahang nasa motorsiklo at tumakas.

Sa pagsisiyasat ng awto­ridad, narekober sa lugar ang tatlong bala ng kalibre 45 baril na ginamit ng suspect sa pamamaril sa biktima.

vuukle comment

AYON

GREG MARAMAG

GULOD

LUIS REYES

NOVALICHES

QUEZON CITY

SAN PABLO ST.

SENADING ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with