^

Metro

5 preso pumuga sa Pateros detention cell

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Limang preso mula sa Pateros detention cell ang ang tumakas kasabay ng   ma­­lakas na pag-ulan kaha­pon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga tuma­kas na bilanggo na sina Antonio Reyes, Ruel Labios, Efren Constantino, Timoteo Lapera, pawang mga nahaharap sa kasong robbery. 

Hindi naman pinanga­lanan ang isa pang pre­song nakatakas na umano’y isang menor-de-edad ngunit isinama sa selda ng mga nasa hustong gulang sa halip na nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa inisyal na ulat ng Pa­teros Municipal police, naganap ang pagtakas ng mga preso dakong alas-5 ng madaling-araw nang lagariin ng mga ito ang rehas na bakal ng selda.

Nabatid naman na kagagaling pa lamang sa inquest ng mga tumakas at wala pang commitment order.

Natuklasan lamang nila ang pagpuga ng mga preso nang magkaroon ng komosyon sa naturang selda dakong alas-5 ng madaling araw kung saan nakitang tanggal na ang rehas at na­wawala na ang naturang mga bilanggo.

Isang masusing imbes­tigasyon naman ang ginagawa sa umano’y kapaba­yaan ng pulis habang isang manhunt ope­ration na ang isinasagawa upang mu­ling maaresto ang mga bilanggo.

vuukle comment

ANTONIO REYES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EFREN CONSTANTINO

ISANG

LIMANG

RUEL LABIOS

SHY

TIMOTEO LAPERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with