Star Pres. Miguel Belmonte 1 sa '10 Outstanding Manilans'
MANILA, Philippines - Ginawaran ng parangal ng pamahalaang lungsod ng Maynila si STAR President/ CEO Miguel Belmonte bilang isa sa 10 Outstanding Manilans sa kategorya ng print media advocacy sa taong 2011.
Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, isa si Belmonte sa napiling 10 awardees bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon nito at sa pinamumunuang Star Group of Publications sa pagbibigay ng balita at impormasyon sa mga mamamayang Filipino.
Ang parangal ay ginanap noong Biyernes ng gabi sa Manila Hotel kasabay sa pagdiriwang ng ika-440 anibersaryo ng Araw ng Maynila. Si Vice President Jejomar Binay ang naging panauhing pandangal.
Ang 10 ‘high-profile personalities’ ay may kani-kanyang katangi-tanging naiambag sa pagsulong at pag-unlad ng lungsod na siyang pinagbatayan upang gawaran sila ng pagkilala.
Sa citation kay Belmonte, kinilala rin ito sa pagpapatupad nang maayos na labor policies na itinuturing ang mga empleyado na pantay-pantay at bilang miyembro ng isang pamilya.
Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Belmonte na, “I have been working in Manila for the past 24 years. I spend most of my waking hours in Manila and thus it has truly become a second home for me. I thank Mayor Alfredo Lim and the City of Manila for embracing me as a son of the city and for giving me this great honor of being one of the ‘Ten Outstanding Manilans’ this year. It is truly an honor and privilege for me to be counted among such a highly esteemed and respected group of awardees.”
Si Belmonte ay anak ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., at ng namayapang si Betty Go-Belmonte, na dati ring awardee noong 1994 sa unang pag-upo ni Lim bilang alkalde.
Ang iba pang ginawaran ng parangal ay sina Justice Andres Reyes Jr., judicial administration; Ambassador Bienvenido Tantoco, Sr., diplomacy and corporate leadership; P/Gen. Raul Bacalzo, public service and law enforcement/criminal justice system and police administration; Nina Lim-Yuson, culture and values formation; Andrew Tan, business entrepreneurship and management; Justice Conchita Carpio-Morales, law and jurisprudence; Atty. Felipe Gozon, social responsibility in broadcasting; Fr. Jose Arcilla S.J., education and history at Emilio Yap III, objective journalism.
“By recognizing these Manilans for their exemplary achievement, the city government and its officialdom hold them up for emulation by others, even as appreciation is extended to them for what they have done for Manila and its people,” ayon naman kay Lim.
- Latest
- Trending