Facebook crimes tumataas -- PNP

MANILA, Philippines - Naalarma ang Philippine National Police (PNP) sa ma­bilis na pagtaas ng bilang ng mga tinaguriang facebook crime related incidents sa bansa.

Sa tala, ang Pilipinas ay pang-lima sa ranking na may pinakamaraming facebook users sa buong mundo na aabot sa 22,651,600 milyong FB accounts.

Ayon kay PNP-Criminal In­­vestigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director P/Chief Supt. Samuel Pag­dilao, ito’y kasunod sa mga kasong naidulog sa kanilang tanggapan gamit ang sikat na facebook, twitter, multiply at iba pang social networking sites.

Kabilang sa mga kaso ay estafa, libel, harassment, hacking, identity theft or fake account, threat, pornography at iba pa. Sinabi nito na umaabot sa 72 computer related crimes ang kanilang naitala noong buong 2010.

“For a total of 29-M internet users in the country, 23-M have facebook account”, anang opisyal.

Gayunman, mula Enero hanggang Hunyo 14 ngayong 2011, pumalo na agad sa 56 ang mga walk-in complaints na naidulog sa PNP-CIDG na karamihan ay naisagawa sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa facebook account kung saan tumaas sa 1,000% ang internet users sa bansa sa nakalipas na 10 taon.

At sa benepisyong naku­­kuha sa makabagong tekno­lo­hiya, ito rin ang naiisip na istratehiya ng masasa­ mang ele­mento para maisa­katuparan ang kanilang illegal na aktibidad at mas madaling makahanap ng mabibiktima.

Show comments