^

Metro

Internet shop nilooban

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Aabot sa P160,000 halaga ng ari-arian ang tinangay matapos sa looban ng mga di-kilalang lalaki ang Internet shop sa Quezon City kahapon. Ayon kay PO3 Jesus Saguibo, pi­nag­nakawan ang Livewire Internet Cafe sa #515 B. Serrano Road sa Baranggay San Roque, Project 4. Natuklasan na lang ni Reyman Nicolas, 37, na nawawala na ang mga akse­sorya ng kanyang shop matapos itong pumasok bandang alas-5:30 ng madaling-araw. Natangay sa shop ang 10 yunit ng CPU at 10 yunit ng flat screen monitor na may halagang P160,000. Nabatid na nagawang mapasok ng mga kawatan ang shop matapos wasakin ang dalawang padlock ng steel gate gamit ang bolt cutter­. Isang saksi ang nakakita sa Tamaraw FX na may plakang VET-189 na nakaparada sa harap ng shop bago ang insidente na pinaniniwalaang ginamit na getaway vehicle.

vuukle comment

AABOT

AYON

BARANGGAY SAN ROQUE

ISANG

JESUS SAGUIBO

LIVEWIRE INTERNET CAFE

NABATID

QUEZON CITY

REYMAN NICOLAS

SERRANO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with