Klase sa Valenzuela at Malabon, sinuspinde
MANILA, Philippines - Bunsod ng walang puknat na pag-ulan na dala ng bagyong Egay na umalis na sa bansa at paparating na ang bagyong Falcon kung kaya sinuspinde kahapon ng pamunuan ng Department of Education ang klase sa elementary at high school sa Valenzuela, Malabon at Region 3.
Tinukoy ng DepEd ang mga paaralan na sinuspinde ang klase sa Valenzuela ay ang Coloong Elementary School, Tagalag Elementary School, Isla Elementary School, A. Deato Elementary School, Wawang Pulo, Elementary School, PR San Diego Elementary School, A. Fernando Elementary School, Pio Valenzuela Elementary School, Pasalo Elementary School, Pulo National High School, Arkong batao High School, at ang Dalandanan High School.
Samantala, sa Malabon City kinansela ang klase sa Dampalit Elementary School, Panghulo Elementary School Unit 1, Panghulo High School, Tonsuya Elementary School at Muzon Elementary School.
Sa Region III naman ay sinuspinde ang lahat ng antas ng klase sa elementary at high school.
Ayon sa DepEd, ang kanselasyon ng klase ay bunsod ng pagbaha sa mga nabanggit na lugar dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan.
- Latest
- Trending