^

Metro

15-anyos pinilahan ng 3 PSG

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang barangay chairman matapos na ireklamo ng isang dalagita na sinasabing ibinugaw ito sa ilang tauhan ng Philippine Security Group (PSG) sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa ng gabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District Womens and Children Concern Di­vi­sion (WCCD) ang biktimang si Grace (di-tunay na panga­lan) upang ireklamo si  Chairman Angelo Murillo ng Barangay 637 Zone 65. 

Sa report ni P/Supt. Jimmy Tiu, hepe ng MPD-Station 8, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan mismo ng San Miguel Barangay Hall  sa Manila.

Sa salaysay ng biktima, naglalakad siya kasama ang kaibigan nang batiin sila ni Chairman Murillo na sinasabing lango sa alak kung saan dinala sa ilang grupo ng mga kalalakihan na nakatayo malapit sa barangay hall. 

Sinasabing ipinakilala ni Morillo ang biktima sa mga kalalakihan na nakatayo ma­lapit sa barangay hall.

Ipinasok ang biktima sa loob ng closed van  kung saan si Murillo pa ang nag­­sara ng pintuan saka pinasibad patungo sa PSG quarters sa loob ng Malacañang compound.

Sa loob ng barracks ng PSG, sinabi ng biktima na pinaghihipuan siya at kung anu-ano pa ang ginawa sa kanya.

Matapos ang panghahalay ay pinalabas siya saka ito humingi ng tulong kay Barangay Kagawad Angelina Marzan na siyang nag-report sa pulisya.

Itinanggi naman ni Mu­rillo ang akusasyon ng bik­­tima maging ang pambubugaw sa mga miyembro ng PSG. 

Depensa pa ni Murillo, ang dalagita ay madalas umanong pinauuwi nila dahil pagala-gala kahit curfew hours na.“It is all political kasi makikita naman na ang pinagsumbungan ng biktima ay ang kalaban ko na si Kagawad Marzan,” pa­hayag ni Murillo.

Samantala, isang S/Sgt. Walter Candelaria ng Pre­sidential Security

Group (PSG) ang nasa kus­todiya na rin ng MPD-WCCD matapos ang bo­lun­­taryong pagsuko kay C/Insp. Anita Araullo kaugnay sa rape na idinulog ng 15-anyos na dalagita.

Kahapon ay nagkita sina Chairman Angel P. Murillo at S/Sgt. Candelaria sa himpilan ng pulisya kung saan sila iniimbestigahan. Lumalabas sa imbestigas­yon na si Candelaria at 2 lalaking sibilyan ang sangkot sa pangmomolestiya sa dalagita.

Hinihintay pa ng dalawa ang kanilang mga abu­gado at tumanggi magbigay ng mga pahayag sa media.

Pinaiimbestigahan na ni Presidential Security Group (PSG) chief Col. Ramon Dizon ang napaulat na panggagahasa ng 3 PSG sa isang 15-anyos sa loob mismo ng Malacañang complex.

Sinabi ni Dizon sa media interview, nakipag-coordinate na rin sila sa Manila Police District upang alamin kung totoong may complainant laban sa 3 PSG.

Nang maberipika nilang mayroon ngang nagreklamo ay agad niyang inata­san ang batallion commander ng PSG na magsagawa ng hiwalay na im­bestigasyon.

Sa sandaling ma­patu­nayan ang aku­sas­yon at matukoy ang 3 PSG ay posibleng maging daan ito para sila ay masibak sa serbisyo at makasuhan.

Ang commander sa bar­racks kung saan sinasabing dinala at pinagsamantalahan ang biktima ay isang babae sa katauhan ni Maj. Fransel Taburlupa kaya tiyak na hindi palalampasin ang ginawa ng mga kabaro. (Dag­dag ulat nina Ludy Bermudo­ at Rudy Andal)

ANGEL P

ANITA ARAULLO

BARANGAY KAGAWAD ANGELINA MARZAN

CANDELARIA

CHAIRMAN ANGELO MURILLO

MURILLO

PSG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with