10 Outstanding Manilans pararangalan

MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng Ika-440th founding anniver­sary ng Maynila, kabilang sa Ten Oustanding Manilans na pararangalan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Biyernes ay si Pre­sident/CEO ng Star Group of Publications Miguel G. Belmonte.

Bahagi ng selebras­yon ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga naiambag na gawain sa pagpapaunlad ng lungsod at magandang halimbawa na dapat tana­wing inspirasyon ng mga Pilipino.

Bibigyan din ng para­ngal sina Justice Andres Reyes, (judicial admi­nistration); Ambassador Bienvenido Tantoco, Sr., (diplomacy and cor­po­rate leadership); P/Gen. Raul Bacalzo, (public service and law enforcement/criminal justice system and police administration); Nina Lim-Yuson,( culture and values formation); Andrew Tan, (business entrepreneurship and management); Justice Conchita Carpio-Morales,(law and jurisprudence); Atty. Felipe Gozon, (social res­ponsibility in broadcasting); Fr. Jose Arcilla S.J., (education and history); Emilio Yap III,(objective journalism) at Miguel G. Belmonte, (print media advocacy).

 “The determining cri­terion is how they have willingly and unselfishly contributed to the development and progress of the city of Manila and its in­­habitants,” pahayag ng alkalde.

Naniniwala si Mayor Lim na sa sariling pamamaraan, ang mga napiling parangalan ay nakatulong sa tagumpay ng pagpapatupad ng 11-point agenda ng Manila City govern­ment.

Kabilang sa agenda ng pamahalaang lokal ang lib­reng health services, gamot sa 6 na city-run hospital, lib­reng edukasyon hanggang kolehiyo, panganganak at sa libreng pagli­libing ng mga Manilenyo o ‘womb to tomb’ program ni Lim.   

Show comments