10 Outstanding Manilans pararangalan
MANILA, Philippines - Sa pagdiriwang ng Ika-440th founding anniversary ng Maynila, kabilang sa Ten Oustanding Manilans na pararangalan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Biyernes ay si President/CEO ng Star Group of Publications Miguel G. Belmonte.
Bahagi ng selebrasyon ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga naiambag na gawain sa pagpapaunlad ng lungsod at magandang halimbawa na dapat tanawing inspirasyon ng mga Pilipino.
Bibigyan din ng parangal sina Justice Andres Reyes, (judicial administration); Ambassador Bienvenido Tantoco, Sr., (diplomacy and corporate leadership); P/Gen. Raul Bacalzo, (public service and law enforcement/criminal justice system and police administration); Nina Lim-Yuson,( culture and values formation); Andrew Tan, (business entrepreneurship and management); Justice Conchita Carpio-Morales,(law and jurisprudence); Atty. Felipe Gozon, (social responsibility in broadcasting); Fr. Jose Arcilla S.J., (education and history); Emilio Yap III,(objective journalism) at Miguel G. Belmonte, (print media advocacy).
“The determining criterion is how they have willingly and unselfishly contributed to the development and progress of the city of Manila and its inhabitants,” pahayag ng alkalde.
Naniniwala si Mayor Lim na sa sariling pamamaraan, ang mga napiling parangalan ay nakatulong sa tagumpay ng pagpapatupad ng 11-point agenda ng Manila City government.
Kabilang sa agenda ng pamahalaang lokal ang libreng health services, gamot sa 6 na city-run hospital, libreng edukasyon hanggang kolehiyo, panganganak at sa libreng paglilibing ng mga Manilenyo o ‘womb to tomb’ program ni Lim.
- Latest
- Trending