^

Metro

15 Pinoy pa-Malaysia nasabat

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naharang ng mga ta­uhan ng Bureau of Immigration ang  tangkang pagpuslit sa pamamagitan ng southern backdoor ang may 15 undo­cumented overseas Filipino workers (OFWs) patungong Malaysia.

Sa ulat ni Immigration Regulation Division chief Alberto Braganza na isinumite kay BID Commissioner Ricardo David Jr., aabot sa 12-babae at 3 lalaki na sina­sabing lulan ng M/V Danica Joy ang nasabat noong Hunyo 7, 2011.

Lumilitaw na nagtago sa silid ng barko ang 15 Pinoy nang madiskubre ng mga awtoridad na tangkang pupuslit patungong Sandakan, Malaysia.

Nabatid sa ulat na wa­lang kaukulang mga pasaporte o travel documents ang mga nasabing Pinoy na pawang ni-recruit mula Zamboanga, Quezon, Tarlac­ at Bulacan.

Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng 15 Pinoy na nasa pangangalaga ng Visayan Forum, isang volunteer group na tumutulong sa human trafficking victims.   

ALBERTO BRAGANZA

BULACAN

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

HUNYO

IMMIGRATION REGULATION DIVISION

LUMILITAW

PINOY

V DANICA JOY

VISAYAN FORUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with