^

Metro

Parak nag-amok: 4 katao sugatan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa ulo ang tama ng isa sa apat na sugatan sa pa­ma­maril ng isang kagawad ng Pasig City Police, na sina­sabing nag-amok sa isang lamayan sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng umaga.

Kritikal ang biktimang si Apolonio Torres, 28, construction worker, ng Oro-B San Andres Bukid, Maynila sa Sta. Ana Hospital samantalang sugatan din sina Edu­ardo Vibar, 28, pintor;  Rogelio Matias, 29, driver­ at Fernando Morales, 41,  pawang residente din ng Oro-B San Andres Bukid. Ang mga ito ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang PO1  Sonny­ Boy Merino, na residente din ng lugar at nakatalaga sa Eastern Police District (EPD).

Sa ulat ni PO3 Dominic de Jesus, ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6 at siyang may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 ng umaga, nang maganap ang nasabing pamamaril sa harapan ng burol ng patay sa Oro B San Andres­ Bukid.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng suspect, ang mga nagsusugal sa burol kabilang na si Torres at tatlong iba pa. Ayon pa sa pulisya, ang suspect umano na si Merino ay may tatlong araw nang hindi  natutulog na diumano’y isa ring drug user.

ANA HOSPITAL

ANA POLICE STATION

APOLONIO TORRES

BOY MERINO

EASTERN POLICE DISTRICT

FERNANDO MORALES

MANILA POLICE DISTRICT-STA

MAYNILA

ORO B SAN ANDRES

ORO-B SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with