^

Metro

Nakilala sa Facebook, ginang pinagnakawan, pinatay ng nobyo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang ginang ang pi­nag­sasaksak at pinagnakawan ng umano’y kan­yang nobyo, na nakilala lamang umano nito sa Facebook (Fb), sa loob mismo ng kan­yang ta­ha­nan­ sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Umaabot sa 26 na sak­­sak ang tinamo ng bikti­mang si Maria Luisa Do­minguez-Laquindanum, 44, hiwalay sa asawa, human resource personnel ng isang call center at residente ng 22-D. Coronado Heights, Brgy. Barangka Ibaba, Man­­dalu­­yong City, habang pinag­ha­hanap naman ang suspect na nakilala lamang sa pa­ngalang ‘Rafi,’ na umano’y taga-AMA, Pasig at nakilala ng bik­tima sa facebook.

Ayon kay Sr. Supt. Armando Bolalin, hepe ng Man­daluyong City Police Sta­­tion, dakong alas-11:30 ng gabi ng Sabado nang madiskubre ni Rosalia Pan­lilio, ka-boardmate ng biktima, ang karumal-dumal na sinapit ng bik­tima na ang mga kamay at paa ay tinali ng electrical wire habang binalot ng kumot ang mukha at tadtad ng saksak sa katawan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon na isinagawa nina PO3 Joemer Puzon at PO2 Anthony Guevarra, ng Cri­mi­nal Investigation Unit (CIU), nabanggit umano ng biktima sa kanyang nakababatang ka­patid na si Cristina Domin­guez-Cura, na makikipagkita ito sa suspect.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang dumating ang sus­pect sa bahay ng bik­­tima, kasama ang tatlo pang lalaki.

Ayon kay Puzon, halata umanong pinaghandaan ang pagkikita ng dalawa, dahil nagluto pa ng adobo ang biktima. Nag-inuman pa umano ang mga suspect dahil sa nakitang mga basyo ng alak at mga nagkalat na upos ng sigarilyo.

Sinasabing dakong  alas-11:00 ng gabi nang makita ng ilang kapitbahay ang mga suspect na palabas ng bahay na may dala-da­lang bag, na posibleng pi­naglagyan ng mga nawawalang gamit ng biktima, na kinabibilangan ng dalawang laptop at pera na aabot sa P54,000.

Ayon naman kay Cura, bago natagpuang patay ang kapatid ay nagpadala ito ng mensahe sa kanya sa pa­ma­magitan ng Facebook. Excited ito na makipagkita ng personal sa kanyang nobyo.

Gayunman, pinaalalaha­nan umano ni Cura ang kapatid na huwag nang papuntahin ang lalaki sa kanyang kuwarto dahil ngayon pa lamang niya ito makikita ng personal.

Sinasabing bago tu­lu­ yang napatay, ay naka­pag-post pa umano ng men­sahe ang biktima sa kanyang FB account, kung saan sinabi nitong, “Prepa­ring dinner 7:00 p.m. my BF Rafi will be coming tonight from AMA Pasig to have dinner­ with Me.”

Kaagad namang ipinag-utos ni Bolalin sa Follow-Up team ng Mandaluyong City Police ang pagtugis sa mga suspect.

Matatandaang una nang pinagsasaksak ng isang lalaking nakilala lamang niya sa FB ang actor director na si Ricky Rivero, ngunit masuwerteng nabuhay ito at nadakip naman ang suspect.

ARMANDO BOLALIN

AYON

BARANGKA IBABA

CITY POLICE STA

CORONADO HEIGHTS

CRISTINA DOMIN

FACEBOOK

INVESTIGATION UNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with