Kaso ng dengue sa QC, tumaas pa
MANILA, Philippines - Nababahala na ngayon ang Quezon City health officers dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod laluna ngayong pasukan.
Sa pinaka- latest report ng QC Health department, sinabi ni Dr. Rolly Cruz, epidemiology ng QC Health Office, mula Enero 1 hanggang Hunyo 11, 2011 umaabot na sa 2,009 ang kaso ng dengue kung saan 15 dito ay namatay na mas mataas sa 610 sa kasong naitala ng tanggapan sa kaparehong period ng 2010 at 5 ang namatay dito.
Anya, karamihan sa mga namatay at nagkasakit ng dengue ay nasa edad isa hanggang 10 taon.
Bagamat patuloy anya ang programa ng pamahalaang lungsod ng Quezon laban sa sakit na dengue, malaki ang kanyang paniwala na may kinalaman sa pagbabago ng klima ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue na anya’y nakakabahala na.
Bunsod nito, paulit ulit na pinapayuhan ni Dr. Cruz ang mga taga-lungsod na ang pagiging malinis lamang sa paligid ang susi sa pag iwas sa sakit na dengue kayat dapat ugaliin ang paglilinis sa kapaligiran laluna sa mga bagay na maaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
- Latest
- Trending