^

Metro

7 pang suspect na pumatay sa among Intsik, arestado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang pito pang suspek na responsable sa pagpatay sa kanilang among Intsik sa Valenzuela City kahapon. Ang mga suspek na nasa custody ngayon ng Valenzuela City Police ay sina Ryan Fenandez; Edgardo Camanso Jr.; Wilson Dait; Joel Sabandal; Jerry Sabandal; Nelson Sabandal at Michael Andres pawang mga empleyado at stay-in sa Cosang Plastic Mfg., na matatagpuan sa Sigma St., Rincon ng nabanggit na siyudad.

Anim sa mga suspect ay nadakip matapos ang follow-up operation na isinagawa ng pulisya, samantalang si Andres ay sumuko naman kay Vice Mayor Rodrigo Duterte ng Davao City.

Samantala, hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Reagan Arboneda.

Matatandaan na unang nadakip ng pulisya si Isagani Sobretodo­, ng 10th Avenue, Caloocan City at “ikinanta” nito kung saan matatagpuan ang iba pang mga suspek, na nag­resulta nga ng pagkakadakip sa pito.

Nabatid, na noong Hunyo 11 ng hapon, ng taong kasalukuyan ay nakitang duguan at walang buhay ang amo nila na si Jeffrey Ong, 31 sa nabanggit na pabrika matapos itong paghahatawin ng martilyo ng mga suspek.

Ito ay matapos namang sabihin ng biktima sa mga suspek noong Hunyo 1 na isasara na ang pabrika, dahilan upang humingi ng pera para pamasahe ang mga suspect pabalik ng Leyte. Subalit, hindi nagbigay ang biktima, dahilan upang magalit ang suspek hanggang sa isinagawa nila ang kanilang planong pagpatay at pagnanakaw sa kanilang amo.

Nabatid, na itinanggi ni Sobretodo na kasama siya sa pumaslang kay Ong at ayon dito ay hindi naman aniya natuloy ang pagnanakaw dito.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

COSANG PLASTIC MFG

DAVAO CITY

EDGARDO CAMANSO JR.

HUNYO

ISAGANI SOBRETODO

JEFFREY ONG

JERRY SABANDAL

JOEL SABANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with