^

Metro

Pabuya vs killer ng hotel manager, itinaas sa P2-M

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Itinaas na ng pamilya ng pinaslang na Italian national na manager sa isang ma­laking hotel sa Makati City ang reward money sa P2 milyon para sa anumang impormasyon na magbibigay daan sa pagkakadakip ng mga salarin sa krimen.

Sinabi ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Froilan Bonifacio na dinagdagan ni Sandro Mazza ang da­ting inilabas na P300,000 pabuya sa P2 milyon sa pag-asang makakatulong ito sa pagresolba sa kaso ng pagpatay sa kakambal niyang si Sergio Mazza, da­ting manager­ ng food and beverage section ng Shangri-La Hotel.

Matatandaan na pinas­lang si Sergio ng mga hindi nakilalang hitman noong Hunyo 17, 2010 nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang salarin sa may Dela Costa St., Brgy. San Lorenzo. Patungo na sa na­turang hotel ang biktima nang tambangan ng mga salarin dakong alas-7 ng umaga.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na sangkot umano ang biktima sa maraming relasyon sa iba’t ibang babae na aabot sa walo. Ito ang tinututukan ng pulisya na maaaring motibo sa krimen.

Ngunit sa kabila ng pagpapalabas ng P300,000 pabuya, naging malamya pa rin ang mga miyembro ng Makati police sa kanilang imbestigasyon sanhi upang makasama ang kaso ni Sergio­ Mazza sa tambak ng mga hindi nareresolbang krimen.

vuukle comment

DELA COSTA ST.

FROILAN BONIFACIO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SAN LORENZO

SANDRO MAZZA

SERGIO

SERGIO MAZZA

SHANGRI-LA HOTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with