Lalaki natagpuang patay sa loob ng kotse

MANILA, Philippines -  Isang hindi nakikilalang lalake ang natagpuang walang buhay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue Extension sa Fairview sa nabanggit na lungsod. Ang biktima ay isinalarawan sa suot nitong brown na t-shirt at maong na pantalon at tinatayang nasa edad na 30-40 anyos. Natagpuan ang biktima sa may passenger seat ng isang kulay pula na Mazda na may plakang UUA-174 at may bakas na pananakal sa leeg at mga sugat sa mga braso. Patuloy ang pasisiyasat ng pulisya upang matukoy ang naturang biktima.

Show comments