20% discount sa LRT sinimulan na
MANILA, Philippines - Pinagkakalooban na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng 20 porsiyentong discount ang mga matatanda at mga Persons with Disability (PWDs) na sumasakay sa kanilang mga tren.
Ito’y kasunod ng pagpapatupad nila ng polisiya na nagbibigay ng espesyal na pangangalaga at atensiyon sa mga matatanda at mga PWDs.
Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, ang mga matatanda at mga PWDs ay makakakuha ng 20 porsiyentong discount sa Single Journey at Stored Value Tickets, direkta mula sa lahat ng istasyon ng tren.
Kinakailangan lamang umano ng mga ito na magpakita ng balidong identification (ID) cards sa mga station teller.
Samantala, iniulat ng LRTA na may 121,000 Pinoy ang nakapag-avail ng libreng sakay na inialok ng Light Rail Transit (LRT) bilang paggunita sa ika-113th Independence Day noong Linggo.
- Latest
- Trending